EDCA, dapat pa bang ipagpatuloy ng Marcos administration?

EDCA, dapat pa bang ipagpatuloy ng Marcos administration?

TAONG 2014 nang lagdaan ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) na nagpapahintulot sa presensiya ng mga Amerikanong sundalo sa iba’t ibang base militar sa loob ng 10 taon.

Nilagdaan ito noong panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III.

Mula’t sapol naging kontrobersiyal na ang EDCA at umani ng mga kritiko.

Isa sa ipinupuna rito ay itinaon ang paglalagda ng Enhanced Defense Cooperation Agreement sa pagpunta ni Estados Unidos Pangulong Barack Obama sa Pilipinas noong Abril 2014.

Kinukuwestiyon din ng mga kritiko na minadali ang paglalagda at dapat dumaan ito sa Senado at hindi anila nakita sa publiko ang nilalaman nito bago lagdaan ang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

Isa na rito si dating Palace spokesperson Harry Roque na isang International Law Expert.

“Well, kasi nagkaroon na nga ng probisyon. Bagong probisyon sa 1987 Constitution na nagsasabi na ang presensiya ng mga base militar at kasundaluhan na dayuhan dito sa Pilipinas ay pupwede lamang kung meron tayong tratado na kinikilala ng Pilipinas at ng dayuhang bansa bilang isang tratado at kung kinakailangan ay isusumite pa nga sa taumbayan sa isang referendum kung sasang-ayon ang mga Pilipino.”

“Siyempre ang konteksto nito, ito’y matapos paalisin ng mga senador yung U.S. bases dahil hindi nga na-retain o hindi na-renew ‘yung Philippine-US Bases Military Agreement.”

“Now, ang unang-una naming sinasabi eh, kinakailangan nagkaroon ng tratado kasi itong EDCA na ‘to kapag binigyan natin sila ng access sa ating base militar ay walang time frame puwedeng 1 araw, puwedeng 5 taon, pupwedeng 10 taon at mula noong 2016 na lumabas ang desisyon ng kasong ito hanggang ngayon hindi naman sila umalis ‘dun sa mga lugar kung saan binigyan natin sila ng access.”

“So ngayon 2016 hanggang 2023 ‘di naman sila umalis. So tama ‘yung aming sinasabi bilang mga petitioner ‘nung una naming kinuwestiyon sa Kataas-taasang Hukuman na hindi speculative ang sinasabi namin na ‘yung EDCA puwede maging Military Bases Agreement kasi nga pumasok sila binigyan ng access, hindi na umalis at ngayon nga ay pinalawig dahil dadagdagan pa ng 4 na base military.”

“Ang pagkakaiba kasi niya sa VFA, ang VFA, Visiting Forces Agreement war exercises lamang, pagkatapos ng war exercises umuuwi sila pero itong EDCA walang time frame. Puwedeng isang 1, puwedeng 10 taon, puwedeng 20 years. Pero since sa nabuo itong EDCA alam natin na pinapasok natin sila at hindi na sila umalis.”

“So, tama po kami, at ang tingin ko panahon na siguro para repasuhin nga ng Korte Suprema, ‘yung pag-dismiss ng unang kaso dahil ang unang kaso and sabi nila speculative na ito daw ay magiging basing agreement pero as applied talaga naman pong napakita natin na ang EDCA is a substitute for the Philippine-US Military Bases Agreement,” ayon kay Atty. Harry Roque, Former Palace Spox. International Law Expert.

Ipinunto rin ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kaniyang programang “Gikan sa Masa Para sa Masa” kasama si Pastor Apollo C. Quiboloy na tila hindi na umalis ang mga Amerikano simula nang ipatupad ang Enhanced Defense Cooperation Agreement.

“Itong visiting, visiting lang eh akala mo naman nagbibisita lang kunwari lang it is a question of semantics visiting kailan ka pa umalis dito…buang,” ayon kay FPRRD.

Laman kasi ng EDCA ang pagbibigay pahintulot sa U.S. na magtayo ng mga istraktura, pasilidad sa mga napagkasunduang base militar sa Pilipinas.

Sa ilalim ng EDCA, pinapayagan din ang pag-imbak ng kagamitang pandigma, dumaong at serbisyuhan ang kanilang mga sasakyang pandigma, magtayo ng communication facilities, maglunsad ng iba’t ibang aktibidad ang anumang bilang ng armadong puwersa ng U.S. sa mga agreed locations o pinagkaisahang mga lokasyon.

Sa darating na Abril 2024 ay ang pagtatapos ng 10 taon kasunduan ng Enhanced Defense Cooperation Agreement.

Ang naunang ‘agreed locations o pinagkaisahang mga lokasyon ay ang Fort Magsaysay sa Nueva Ecija; Antonio Bautista Air Base sa Palawan, Basa Air Base sa Pampanga, Lumbia Airport sa Cagayan de Oro, at ang Benito Ebuen Air Base sa Mactan, Cebu.

Sa ilalim ng Marcos administration ay nadagdagan pa ito ng 4 ang EDCA sites, ito ay ang Naval Base Camilo Osias sa Sta. Ana, Cagayan; Lal-lo Airport sa Lal-lo, Cagayan; Camp Melchor dela Cruz sa Gamu, Isabela; at Balabac Island sa Palawan.

Isa rin sa kinukuwestiyon sa EDCA ay ang paggamit ng U.S. sa mga agreed locations na walang binabayarang upa at tax free ang paggamit nila ng mga utilities gaya ng tubig, kuryente, at iba pa.

Pero, dapat nga bang ipagpatuloy ng pamahalaan ng Pilipinas ang EDCA?

Pagpapatuloy ng EDCA depende sa ‘good discernment’ ni PBBM—FPRRD

“Alam mo ma’am ‘yung EDCA, EDCA agreement, ‘yung Visiting Forces Agreement is governed by the executive lang ‘di kasama ang Congress diyan, so it would greatly depend upon the good discernment ng Presidente, whoever is the one sitting in all probability. It’s all Marcos, Pres. Marcos, so kaniya talaga ‘yan whether to continue or to allow the Visiting Forces Agreement to stay or do away with it all together. I do not have a good reading the mind of the President so ‘di ko talaga masabi,” dagdag ni Duterte.

Dagdag ni dating Pangulong Duterte walang pag-asa sa kaniya ang EDCA.

“Kung sa aking panahon ka, cause vocal ako eh, ito naman si Presidente Marcos soft spoken. He doesn’t really, masiyadong cultured ang pananalita ‘di katulad sa akin nagmumura. Ah huwag ‘yan, mga Amerikano ‘yan mga tunto ‘yan malaman mo agad na wala yang EDCA walang pag-asa kung ako ayaw ko, ako kung ako lang, pero ang problema ex-president na lang ako hindi na ako president” ani Duterte.

Gayunpaman, nilinaw ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa programa ni dating Pangulong Duterte kung may mga lumapit sa kaniya para ipagpatuloy ang EDCA.

“That’s why sa iyong time wala talagang lumapit sayo?” ani Pastor Apollo C. Quiboloy, The Kingdom of Jesus Christ.

“Ah wala, wala ‘yan sila Lorenzana, wala ni bulong wala, kasi alam nila ayaw ko not because I do not like. I want to see America in full battle gear gusto ko ‘yung America manalo…tatatata..eroplano..pero, sa sine lang yan..sa totoo madadamay ka lang diyan,” ani Duterte.

Gayunpaman, ayaw naman pangunahan ni dating Pangulong Duterte si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. kung dapat ba niyang ituloy ang EDCA.

“Sa sine manalo ‘yung Amerikano, American production, Amerikano ‘yung actor, ‘yung actress Amerikina, ‘yung mga tauhan nila puro Amerikano puro matitigas walang natutumba patay na lahat ‘yung mga apo doon nakatindig pa rin sila, sa sine pero I would say that it is contingent to what’s in the mind of the President with due respect to him I will not venture to give you a projection of what he would do, naging presidente din ako, respeto, ‘yan masasabi ko sa kaniya lahat ‘yan ‘yung bases agreement it does not pass Congress at all it is an executive function only, but in more extensive use involving permanent rights maybe it has to pass the Congress of the Republic of the Philippines,” ani Duterte.

EDCA kailangan pag-aralan muli—Atty. Roque

Ayon naman kay International Expert Atty. Harry Roque, dapat i-re-examine ng administrasyong Marcos ang EDCA.

“Ang aking advice sa susunod na taon 2024 matatapos na ang ‘yung EDCA at kinakailangan gumawa ng desisyon kung ipagpapatuloy pa o hindi kasi pag hindi natin itinapos ang EDCA wala na siyang kumbaga expiration date. It is good until we give notice of 1 year ahead na i-iti-terminate natin. Next year 2024 no, so kinakailangan pag-isipan talaga since pumayag na tayo sa 4 na base militar. Sige, pero pag nakita natin talaga na iinit ang hidwaan at ang hidwaan talaga ay tungkol sa Taiwan na wala naman tayong kinalaman, ang aking recommendation ay itigil na ang EDCA. Pero, sige para huwag mapatalsik ng Amerika si Presidente PBBM dahil alam natin kayang gawin ng mga Amerikano ‘yun hang-on the MDT and hang-on to VFA.”

“Okay, naririyan na ‘yan wala na tayong magagawa pero pagdating ng 2024 i-re-examine natin nang mabuti dahil kung ito ay magkakakaladkad sa atin sa giyera na wala naman tayong mahihita, huwag nating hayaan mamatay ang mga Pilipino sa ngalan ng interes ng mga dayuhan,” ani Roque.

Follow SMNI NEWS in Twitter