Sen. Tolentino, pinalilinaw ang hurisdiksiyon ng PCG sa mga pleasure yacht kaugnay sa shabu drug haul sa Batangas

Sen. Tolentino, pinalilinaw ang hurisdiksiyon ng PCG sa mga pleasure yacht kaugnay sa shabu drug haul sa Batangas

ISINANGGUNI ni Sen. Francis Tolentino sa Department of Justice (DOJ) ang hurisdiksiyon ng Philippine Coast Guard (PCG) hinggil sa mga pribadong foreign vessel.

Kaugnay ito sa pagkakakumpiska ng nasa 1.4 tonelada ng shabu sa Alitagtag, Batangas noong Abril 15 matapos sinabi ng PCG na wala anila silang awtoridad sa mga foreign pleasure yacht dahil sa isang circular order ng Maritime Industry Authority (MARINA).

Naunang sinabi ng Philippine National Police (PNP) na nauugnay ang nakumpiskang shabu sa isang yate na nagmumula sa abroad.

Ayon kay Tolentino, kung pagbabatayan ang Republic Act No. 9993 o ang Philippine Coast Guard Law of 2009, inaaatasan ang PCG na magsagawa ng inspeksiyon sa anumang sasakyang pandagat para matiyak ang safety standards at ang pagsunod sa mga regulasyon at panuntunan.

Dahil dito, sinabi ni DOJ Usec. Raul Vasquez, walang basehan ang posisyon ng PCG.

Ang mandato rin ng MARINA ayon kay Vasquez ay may kaugnayan sa registration at administration lang ng mga sasakyang pandagat.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble