AABANGAN ni Sen. Joel Villanueva sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang plano nito sa mga manggagawa sa bansa.
Nais ng senador na marinig mula kay Pangulong Marcos ang partikular na mga plano na magbibigay ng tiyak na kabuhayan at kita sa mga manggagawa.
Dagdag pa ni Villanueva, importanteng malaman ng mga Pilipino ang pananaw ng Punong Ehekutibo bilang parte ng international community.
Sa kabilang banda, umaasa naman si Sen. Escudero na tatalakayin ni Pangulong Marcos ang tunay na kalagayan ng bansa sa unang SONA nito at ipaalam sa Kongreso ang kanyang legislative agenda sa susunod na taon.