MAY hati na ang mga senador sa Ayuda para sa Kapos ang Kita (AKAP) program.
Ang AKAP ay isang financial assistance program na ipinatutupad ng Department of Social Welfare and Development.
Sa naunang pagtalakay ng Senado sa budget ng DSWD para sa susunod na taon, sinabi ni Imee Marcos na ito ay tinanggal na.
‘’Are you saying that there is no AKAP in the Senate version? Yes, I deleted it entirely. How much was deleted? Yes, 39 billion which was added in the Senate version,’’ ayon kay Sen. Imee Marcos.
Pero matapos ang bicameral meeting ng mga kinatawan ng Senado at Kamara araw ng Miyerkules ay kinumpirma mismo ni Senadora Grace Poe na kasama na ang AKAP sa 2025 National Budget.
Paliwanag ni Poe, Chairperson ng Senate Committee on Finance na pumayag na dito ang mga senador dahil para naman daw ito sa mga nangangailangan.
‘’Dati ito ay isang house initiative lamang pero bilang co-equal body at para naman may transparency ang Senate ay mayroon ding pagkakataon na makatulong sa pamamagitan ng AKAP,’’ saad ni Sen. Grace Poe Chairperson, Committee on Finance.
Pero kung dati ay ang mga mambabatas lamang sa kamara ang may access sa pondo ng AKAP ay may parte na rin dito ang mga senador.
26 Billion pesos ang nakalaan na pondo sa AKAP para sa taong 2025 na aprubado ng dalawang kapulungan.
Mula rito 21 billion ang nakalaan sa Kamara habang 6 billion naman sa Senado.
‘’Hindi siya tulad nung hinihingi nila pero napagbigyan natin pero napagbigyan naten dahil itong AKAP ay mas lalo pa nating pinaklaro. Kung para saan ba ito? So ito ay para pang tulong sa mga minimum wage earners na apektado ng mga sitwsyon o epekto ng inflation ngayon,’’ ani Poe.
Matatandaan na naging sentro ng kontrobersya ang AKAP nang sabihin ni Senadora Imee Marcos na ginamit ito ng ilang kongresista upang lituhin ang mga pilipino para sumuporta sa People’s Initiative.