Senado hindi magpapadala ng summons vs. VP Sara Duterte hanggat hindi ito nakasesyon—SP Escudero

Senado hindi magpapadala ng summons vs. VP Sara Duterte hanggat hindi ito nakasesyon—SP Escudero

ISA sa mga prayoridad ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso sa pagbabalik ng kanilang sesyon sa Hunyo ang pagtalakay sa verified impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa impeachment case laban kay VP Sara, ang Senate president ang magiging presiding officer batay sa nakasaad sa Saligang Batas. Ngayon ay nag-aaral na umano si Escudero sa kaniyang magiging papel o bahagi sa impeachment trial.

Nilinaw naman ni Escudero na wala itong balak na magpadala ng writ of summons para sa pangalawang pangulo ngayong dahil naka-recess pa ang Senado. Ayon sa kaniya, maaari lamang ipresenta ang reklamo kapag nakasesyon ang Senado at kapag naipresenta na ang articles of impeachment sa mga miyembro ng Senado, doon lamang puwedeng magpadala ng summons ang Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

Ito’y kasunod ng mosyon ng House Prosecution na magpadala na ang Senado ng summon laban kay VP Sara.

Ayon kay Escudero, magpapadala sila ng pormal na sagot sa Kamara, ngunit dagdag niya, alam na ng Kamara na ito ang magiging sagot ng Senado sa kanilang mosyon.

“Kapag may sesyon ang Senado, doon lamang pwede magpresenta sila magpresenta ng articles of impeachment at doon lamang din pwedeng i-convene ang impeachment court sa pamamagitan ng pagsusumpa ng mga miyembro ng Senado…It can all be done if the Congress is in session,” ayon kay Sen. Francis “Chiz” Escudero, President, Senate of the Philippines.

Payo ni Escudero sa Kamara na sa halip na magmadali, mag-ingat sila sa kanilang mga hakbang, lalo pa’t baka ito’y maging daan para maging kuwestiyonable ang impeachment proceedings.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble