Senado, ila-lockdown matapos magpositibo sa COVID-19 ang 46 na empleyado nito

Senado, ila-lockdown matapos magpositibo sa COVID-19 ang 46 na empleyado nito

ISASAILALIM sa lockdown ang Senado mula Enero 10 hanggang 16 matapos magpositibo sa COVID-19 ang 46 na empleyado nito .

Ito ay matapos magpositibo sa COVID-19 ang 46 na empleyado ng Senado at isailalim sa quarantine ang 175 iba pa matapos ma-expose at magpakita ng sintomas ng COVID-19 at naghihintay ng swab test results.

Ayon kay Senate President Tito Sotto, ang total closure ay para bigyan-daan ang disinfection at mabawasan ang contact ng mga empleyado upang mapigilan o mapabagal ang pagkalat ng virus.

Gayundin, nasa limang staff ng Medical Bureau ang Senado ang naka-quarantine kaya naubos ang kanilang workforce at mahihirapan din sila na ibigay ang pangangailangan ng mga empleyado.

Dahil dito, inirekumenda ang pitong araw na total closure at wala sinuman ang maaring pumasok sa Senado maliban sa mga gagawa ng disinfection.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter