Senador Grace Poe, nagpositibo sa COVID-19

Senador Grace Poe, nagpositibo sa COVID-19

NAGPOSITIBO sa COVID-19 si Senador Grace Poe.

Ito ang inanunsyo ni Senate President Migz Zubiri sa Plenary Session ngayong Miyerkules.

Si Poe ang pang-apat na senador na nagpositibo sa COVID-19 mula nang bumalik ang Kongreso sa sesyon noong nakaraang buwan.

Una nang nagpositibo sa nakahahawang sakit sina Senators Alan Peter Cayetano, Imee Marcos at Cynthia Villar.

Sa ngayon ay nagpatutupad ang Senado ng 3 linggong lockdown para sa mga guest upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa Senado.

Follow SMNI NEWS in Twitter