Senador Pacquiao at Pimentel, tinawag na traydor ng senior member ng PDP-Laban

Senador Pacquiao at Pimentel, tinawag na traydor ng senior member ng PDP-Laban

TINAWAG na traydor ng PDP-Laban sina Senador Manny Pacquiao at Koko Pimentel ayon sa isang senior member.

Marami ang nagulat kagabi nang ideklara ng PDP-Laban Pacquiao faction na tanggal na bilang chairman ng partido si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa grupo ni Pacquiao, si Senator Koko Pimentel na ang bagong chairman ng partido kapalit ni Pangulong Duterte.

Pero ayon sa isang senior member ng partido, walang basehan ang hakbang nina Pimentel at Pacquiao.

‘’Hindi ko alam kung ano ang pinagbabatayan ng kanilang aksyon, until now it was not resolved by the comelec,’’ayon kay Atty. Rogelio “Bicbic” Garcia.

Kung matatandaan, si Atty. Garcia ang naging paksyon noong 2018 sa PDP-Laban na kumuwestyon sa liderato ni Sen. Pimentel.

Ayon kay Garcia, hindi elected ng National Executive Council (NEC) ng partido ang pag-upo ni Pimentel noon bilang party President.

‘’In 2009, noong umalis si Vice-president Binay, being the president of the party dahil inaaway nila. At si Jojo Binay naman ay may respite kay Nene Pimentel, he left. When Pimentel ask him the presidency there was no convening of the National Executive Committee or National Assembly making him a president. He just tolerated him because of the late Nene Pimentel and he is not an heir to the party. Infact ilang beses kaming nag pulong ni Nene bago siya yumao. He is complaining about the actions of Koko Pimentel anong samot niya. You continue with what your doing basta in accordance with the by laws of the party kasi yong taong iyan ang aking anak may sariling mundo,’’ayon kay Garcia.

Sa kabila ng mga nangyayari ngayon sa ruling party, sinabi ni Sen. Pimentel na kaalyado pa rin ito ni Pangulong Duterte.

Pero ayon kay Atty. Garcia, sila ay traydor ng PDP-Laban at maituturing na lobo sina Senador Pacquiao at Pimentel.

‘’Despite the fact that they were expelled by the party, i don’t know where they’re coming from,’’dagdag ni Garcia.

SMNI NEWS