SINERTIPIKAHANG urgent ni Pangulong Marcos Jr. ang panukalang batas na nagpapaliban sa parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Kinumpirma ito ni Presidential Communications Office Acting Secretary Cesar Chavez araw ng Miyerkules.
Ang bersyon ng Senado na inaprubahan sa ikalawang pagbasa noong Martes, ay naglalayong ilipat ang kauna-unahang halalan ng BARMM sa Oktubre ngayong taon mula Mayo.
Sa kabilang dako, ang panukalang batas na inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ay nagmumungkahi na ilipat ang petsa ng BARMM elections sa Mayo ng susunod na taon (2026).
Kaugnay nito, ipinahayag ng Office of the Executive Secretary na ang Senate version ng nasabing panukalang batas ang sinertipikahan bilang urgent.
Ang unang halalan sa BARMM ay nakatakda sanang idaos kasabay ng midterm elections sa Mayo ngayong taon.