PAMAMAHAGI ng ayuda sa mga nasalanta ng Bagyong Agaton ang inatupag ni Senator Bong Go sa katatapos lamang na Holy Week.
Nasa 1500 na mga residenteng naapektuhan ng Bagyong Agaton ang inayudahan ng senador sa Barangay San Agustin, Mambago at Kinawitnon, Davao del Norte.
Ayon kay Go, walang pinipiling araw ang pagseserbisyo kahit pa bakasyon o Holy Week basta may nangangailangan ng tulong.
“Buong gobyerno sa pamumuno ni Pangulong Duterte ay nandito para gampanan ang kanilang tungkulin at siguraduhing makabangong muli ang mga nasalanta,” pahayag ni Senator Go.
Maliban dito kasama rin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Go sa pagsasagawa ng aerial inspection sa Baybay City at Abuyog Leyte para malaman ang lawak ng pinsala ng kalamidad.
Pagkatapos nito ay tumungo naman ang dalawa saWestern Leyte Provincial Hospital para bisitahin ang mga matatanda at bata na nasugatan dahil sa bagyo.
Sinuri din nito ang operasyon ng Malasakit Center doon.
Binisita rin ng dalawa ang mga biktima na nasa Baybay City Senior High School kung saan namahagi ang mga ito ng food packs, facemask at bitamina.
Hinimok din ng senador ang mga biktima na i-avail ang tulong na maaring maibigay sa kanila ng Malasakit Center.
Maliban sa New Western Leyte Provincial Hospital sa Baybay City ay mayroon ding Malasakit Center sa Eastern Visayas Regional Medical Center sa Tacloban City; sa Leyte Provincial Hospital, sa Governor Benjamin T. Romualdez General Hospital sa Palo; at sa Ormoc District Hospital sa Ormoc.
Muli namang isinusulong ni Go ang pagpasa ng panukala para sa pagpatatayo ng Department of Disaster Resilience para sa mabilisang pagtugon sa kalamidad.