Senatorial Campaign Tracker!
Mahigit dalawang buwan na lang bago ang inaabangang halalan sa Mayo 12, kaya’t lalong umiinit ang labanan sa pangangampanya.
Walang tigil ang mga kandidato sa pagsuyod sa iba’t ibang lugar, sinisikap makuha ang tiwala at boto ng mga Pilipino. Lahat ng estratehiya, gamit na gamit—mula sa personal na pagbisita hanggang sa malalaking rally—para matiyak ang kanilang panalo.
Narito ang pinakabagong kaganapan sa kanilang kampanya sa iba’t ibang panig ng bansa.
Simulan natin sa Iloilo City kung saan guest speaker sa Liga ng Mga Barangay 2025 Convention si Camille Villar at kabilang sa binigyang-diin niya dito ang magkaroon ng mas mahabang termino ang mga barangay officials.
Dumalo naman sa Liga ng mga Barangay – Antique Chapter Provincial Congress sa Iloilo City si Sen. Bong Go kung saan siya nagpaabot ng pasasalamat sa suportang natatanggap niya.
Nasa Iloilo City rin si Atty. Jayvee Hinlo, kung saan nakipagkita siya sa kanyang kaibigan na tumatakbo naman para sa pagka-alkalde ng lungsod.
Sa Nueva Ecija naman nangampanya si Mar Valbuena.
Dumalo naman sa sortie ng Partido Federal ng Pilipinas sa Bohol si Sen. Francis Tolentino kung saan sumalang rin ito sa isang radio interview sa naturang probinsya. Kasama nya rito si Manny Pacquiao.
Nakipagdayalogo naman sa mga magsasaka ng kape sa Lipa, Batangas si Kiko Pangilinan.
Nakiisa si Sen. Imee Marcos sa Balayong Festival 2025 at 153rd Founding Anniversary, Puerto Princesa City, Palawan.
Nasa Cebu City naman si Sen. Pia Cayetano kung saan nagpahayag ng suporta sa kanya si Cebu Governor Gwendolyn Garcia.
Nakadaupang-palad naman ni Rodante Marcoleta ang mga tricycle driver sa Cabanatuan City, Nueva Ecija kung saan binigyang-diin nito ang karapatan ng mga ito.
Si Sen. Bong Revilla sa General Trias, Cavite nangampanya.
Ngayong Martes, sumalang sa radio interview si Atty. Raul Lambino kung saan niya inilatag ang mga platapormang kanyang isusulong.
Sumalang din sa radio interview si Sen. Bato Dela Rosa.
Si Dr. Richard Mata naman ay nagpaalala sa kanyang social media patungkol sa nararanasang mainit na panahon sa bansa.
ibinahagi naman ni Eric Martinez sa kanyang Facebook post ang kanyang mga supporters sa iba’t ibang lugar sa Quezon, Cavite at Pangasinan.
Samantala nitong Lunes, tinalakay ni Angelo de Alban sa kanyang social media ang isyu ng children with special needs at persons with disabilities na dapat mabigyan aniya ng free therapy and development.
Habang nasa Calamba, Laguna si Ariel Querubin na dumalo sa pagtitipon ng AFP retirees, veterans, and women’s groups.
At ‘yan ang pinakahuling update sa nagpapatuloy na campaign period para sa darating na halalan sa Mayo.
Patuloy nating bantayan ang bawat galaw, plataporma, at paninindigan ng mga kandidato para mas maging matalino at mapanuri tayo sa pagpili ng ating susunod na mga senador.
Para sa mas marami pang updates, manatiling nakatutok dito lamang sa SMNI.