Senatorial Campaign Tracker!
Mahigit dalawang buwan na lang bago ang inaabangang halalan sa Mayo 12, kaya’t lalong umiinit ang labanan sa pangangampanya. Walang tigil ang mga kandidato sa pagsuyod sa iba’t ibang lugar, sinisikap makuha ang tiwala at boto ng mga Pilipino.
Lahat ng estratehiya, gamit na gamit—mula sa personal na pagbisita hanggang sa malalaking rally—para matiyak ang kanilang panalo.
Narito ang pinakabagong kaganapan sa kanilang kampanya sa iba’t ibang panig ng bansa.
Simulan natin sa Caloocan City kung saan nakaharap ni Sen. Pia Cayetano ang mga empleyado ng City Hall at inilatag nito ang kanyang mga nagawa sa Senado.
Nasa Ozamiz City, Misamis Occidental naman si Ariel Querubin kung saan nakadaupang-palad niya ang mga empleyado ng lokal na pamahalaan ng lungsod.
Sa Calamba City, Laguna naman nag-motorcade si Sen. Francis Tolentino.
Si Atty. Raul Lambino, muling nag-live sa social media habang nasa Hong Kong. Tinalakay nito ang ilang isyu kabilang ang ICC.
Ibinahagi naman ni Bonifacio Bosita ang kanyang pagbisita sa Palawan.
Nasa Marawi City naman sina Bam Aquino at Kiko Pangilinan.
Sumalang naman sa radio interview si Norman Marquez.
Nangampanya naman sa Barotac Nuevo, Iloilo si Roberto Ballon.
Nag-motorcade naman sa Iloilo si Mar Valbuena.
Nasa Talisay, Cebu naman si Allen Capuyan nitong linggo.
At ‘yan ang pinakahuling update sa nagpapatuloy na campaign period para sa darating na halalan sa Mayo.
Patuloy nating bantayan ang bawat galaw, plataporma, at paninindigan ng mga kandidato para mas maging matalino at mapanuri tayo sa pagpili ng ating susunod na mga senador.
Para sa mas marami pang updates, manatiling nakatutok dito lamang sa SMNI News.