Senatorial Campaign Tracker

Senatorial Campaign Tracker

Senatorial Campaign Tracker!

Limampu’t apat na araw bago ang inaabangang halalan sa Mayo a-dose, kaya’t lalong umiinit ang labanan sa pangangampanya.

Walang tigil ang mga kandidato sa pagsuyod sa iba’t ibang lugar, sinisikap makuha ang tiwala at boto ng mga Pilipino. Lahat ng estratehiya, gamit na gamit—mula sa personal na pagbisita hanggang sa malalaking rally—para matiyak ang kanilang panalo.

Narito ang pinakabagong kaganapan sa kanilang kampanya sa iba’t ibang panig ng bansa.

Simulan natin sa Pangasinan kung saan patuloy na nag-iikot si Sen. Bong Revilla, JR.

Dumalo naman sa Pampanga Province Barangay Congress 2025 si Sen. Francis Tolentino. bago nito, nag-ikot ito mula San Fernando, Angeles, hanggang Mabalacat.

Nasa probinsya naman ng Bohol nangampanya si Kiko Pangilinan.

Matapos nito, nagtungo naman si Pangilinan sa Bacolod City kasama si Bam Aquino para sa volunteer campaign kick-off.

Dumalo naman sa pagtitipon ng Liga ng mga Barangay – Occidental Mindoro Chapter nitong martes ng gabi si Sen. Bong Go kasama si Philip Salvador.

Sa isang pulong balitaan, binanatan naman ni Mar Valbuena ang LTFRB kasabay ng pagdedeklara nito ng malawakang tigil-pasada sa mga susunod na araw.

Sa kanyang social media, tinalakay ni Raul Lambino ang mga problemang kinakaharap ng bansa tulad ng korapsyon at mataas na presyo ng bilihin.

Napanayam naman si sen. Imee marcos sa isang local radio.

Nasa San Pedro City, Laguna naman si Eric Martinez nitong martes.

Nasa Bacoor, Cavite naman si Manny Pacquiao.

Nakadaupang-palad naman ni Camille Villar sa isang pagtitipon ang grupo ng LGBT Pilipinas Inc.

At ‘yan ang pinakahuling update sa nagpapatuloy na campaign period para sa darating na halalan sa Mayo.

Patuloy nating bantayan ang bawat galaw, plataporma, at paninindigan ng mga kandidato para mas maging matalino at mapanuri tayo sa pagpili ng ating susunod na mga senador.

Para sa mas marami pang updates, manatiling nakatutok dito lamang sa SMNI News.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble