Senatorial Campaign Tracker

Senatorial Campaign Tracker

Senatorial Campaign Tracker

Apatnapu’t dalawang na araw na lang bago ang inaabangang halalan sa Mayo a-dose, kaya’t mas pinaiigting ng mga kandidato ang kanilang pangangampanya! Walang tigil ang kanilang pag-iikot—mula sa malalayong baryo hanggang sa mataong lungsod, sinisikap nilang maabot ang bawat Pilipino upang iparating ang kanilang mga plataporma at adhikain.

Sa bawat kaway, pakikipagkamay, at pagharap sa taumbayan, hangad nilang makuha ang tiwala at suporta ng publiko. Lahat ng estratehiya, ginagamit—mula sa matinding door-to-door campaigns hanggang sa malalaking rally—upang tiyakin na sila ang pipiliin sa darating na halalan.

Narito ang pinakabagong kaganapan sa patuloy na pag-iikot ng mga kandidato sa iba’t ibang panig ng bansa.

Simulan natin sa Dasmariñas City, Cavite kung saan maagang nag-motorcade si Sen. Bong Go kasama sa Willie Revillame.

Matapos ang kanilang pag-iikot, nakapanayam ang mga ito kasama si dating Senador Gringo Honasan.

Sa Tiaong, Quezon naman nag-ikot si Kiko Pangilinan.

Si Sen. Francis Tolentino sa lungsod ng maynila nag-ikot kung nakasama nito ang mga kapatid ng muslim na nagdiriwang ng Eid Al-Fitr.

Nasa tanggapan naman ng Department of Transportation o DOTR si Mar Valbuena kasama ang grupong Manibela kung saan nakaharap nila sa isang dayalogo si Dotr sec. Vince Dizon.

Tinalakay naman ni Atty. Raul Lambino sa kanyang social media ang ilang isyu sa bansa gaya ng obligasyon sa Interpol at POGO.

Nitong linggo, bumisita sa probinsya ng Bohol si Atty. Jimmy Bondoc.

Nasa Polomolok, South Cotabato naman si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa.

Si Bam Aquino, nakadaupang-palad ang mga taga-Quezon City

Nasa Muntinlupa City naman si Sen. Pia Cayetano at Camille Villar kung saan dumalo sila sa rally ng local candidates ng lungsod sa pangunguna ni Mayor Raffy Biazon.

At ‘yan ang pinakahuling update sa nagpapatuloy na campaign period para sa darating na halalan sa Mayo.

Patuloy nating bantayan ang bawat galaw, plataporma, at paninindigan ng mga kandidato para mas maging matalino at mapanuri tayo sa pagpili ng ating susunod na mga senador.

Para sa mas marami pang updates, manatiling nakatutok dito lamang sa SMNI News.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble