Senatorial Campaign Tracker

Senatorial Campaign Tracker

40 araw na lang bago ang inaabangang halalan sa Mayo 12, kaya’t mas pinaiigting ng mga kandidato ang kanilang pangangampanya! Walang tigil ang kanilang pag-iikot—mula sa malalayong baryo hanggang sa mataong lungsod, sinisikap nilang maabot ang bawat Pilipino upang iparating ang kanilang mga plataporma at adhikain.

Sa bawat kaway, pakikipagkamay, at pagharap sa taumbayan, hangad nilang makuha ang tiwala at suporta ng publiko. Lahat ng estratehiya, ginagamit—mula sa matinding door-to-door campaigns hanggang sa malalaking rally—upang tiyakin na sila ang pipiliin sa darating na halalan.

Narito ang pinakabagong kaganapan sa patuloy na pag-iikot ng mga kandidato sa iba’t ibang panig ng bansa.

Simulan natin sa Lanao del Norte kung saan nag-ikot si Sen. Bong Go sa iba’t ibang bayan ng naturang probinsya kasama si Phillip Salvador.

Si Sen. Francis Tolentino sa Oroquieta City nangampanya.

Nasa Kalibo, Aklan naman si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa.

Habang bumisita sa Vicente Sotto Memorial Medical Center si Sen. Pia Cayetano.

Sa Makati City naman nag-ikot si Ariel Querubin.

Tinalakay naman ni Atty. Raul Lambino sa kanyang social media ang ilang isyu sa bansa gaya ng Executive Privilege sa senate hearing.

Si Angelo de Alban, nagpaabot ng kanyang mensahe ngayong world autism awareness day.

Nitong Martes, nasa Hinoba-an, Negros Occidental naman si Bonifacio Bosita.

Bumisita naman sa Baguio City si Ping Lacson kung saan sumalang ito sa isang pulong balitaan.

At nakadaupang-palad naman ni Rodante Marcoleta ang mga taga-Maynila.

At ‘yan ang pinakahuling update sa nagpapatuloy na campaign period para sa darating na halalan sa Mayo.

Patuloy nating bantayan ang bawat galaw, plataporma, at paninindigan ng mga kandidato para mas maging matalino at mapanuri tayo sa pagpili ng ating susunod na mga senador.

Para sa mas marami pang updates, manatiling nakatutok dito lamang sa SMNI News.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble