DEPENDE na lang sa 20th Congress kung itutuloy ba nila ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Pahayag ito ni Senate President Francis Escudero matapos inilipat sa Hunyo 11, 2025 ang pagbasa ng Senado sa Articles of Impeachment.
Orihinal sana itong basahin nitong Lunes, Hunyo 2.
Inilipat ang pagbasa ng Articles of Impeachment laban kay VP Sara upang bigyang-daan ang pagtalakay ng Senado sa mga prayoridad na panukalang batas bago magtapos ang kasalukuyang Kongreso.
Bukod sa pagpasa ng mga panukala, binanggit din ng Senado ang pangangailangang aksiyunan ang higit 200 presidential appointments.
