Senatorial Campaign Tracker
34 na araw na lang bago ang inaabangang halalan sa Mayo 12, kaya’t mas pinaiigting ng mga kandidato ang kanilang pangangampanya! Walang tigil ang kanilang pag-iikot—mula sa malalayong baryo hanggang sa mataong lungsod, sinisikap nilang maabot ang bawat Pilipino upang iparating ang kanilang mga plataporma at adhikain.
Sa bawat kaway, pakikipagkamay, at pagharap sa taumbayan, hangad nilang makuha ang tiwala at suporta ng publiko. Lahat ng estratehiya, ginagamit—mula sa matinding door-to-door campaigns hanggang sa malalaking rally—upang tiyakin na sila ang pipiliin sa darating na halalan.
Narito ang pinakabagong kaganapan sa patuloy na pag-iikot ng mga kandidato sa iba’t ibang panig ng bansa.
Simulan natin sa Bulacan kung saan dumalo si Sen. Bong Go sa pagtitipon ng mga barangay officials mula sa lalawigan ng Bulacan. Ipinahayag niya rin ang kanyang pagsuporta sa mga ito.
Sa probinsiya rin ng Bulacan nangampanya si Kiko Pangilinan.
Nakaharap naman ni Sen. Francis Tolentino ang mga residente sa Tabuk City, Kalinga.
Nasa probinsiya naman ng Albay sa Bicol Region si Atty. Jayvee Hinlo.
Nasa probinsiya naman ng Cebu nangampanya si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa.
Nakaharap naman ni Ariel Querubin ang mga nagre-review sa isang review center para kumuha ng kanilang professional license sa lungsod ng Maynila.
Si Bonifacio Bosita, nangampanya naman sa Mandaue City sa Cebu.
Muli namang nag-live sa kaniyang social media account si Atty. Raul Lambino kung saan tinalakay nito ang impeachment case laban sa bise presidente.
Nag-live din sa kaniyang social media si Mar Valbuena kung saan nag-update naman ito patungkol sa kanilang sektor.
Si Sen. Imee Marcos naman napanayam sa isang local radio station sa Pangasinan.
Inilatag naman ni Atty. Vic Rodriguez ang kanyang mga plano sakaling panalo sa isang radio interview.
Habang nakadaupang-palad naman ni Sen. Pia Cayetano ang mga taga-Navotas City nitong Lunes.
At ‘yan ang pinakahuling update sa nagpapatuloy na campaign period para sa darating na halalan sa Mayo.
Patuloy nating bantayan ang bawat galaw, plataporma, at paninindigan ng mga kandidato para mas maging matalino at mapanuri tayo sa pagpili ng ating susunod na mga senador.
Para sa mas marami pang updates, manatiling nakatutok dito lamang sa SMNI News.