Senatorial Campaign Tracker
Tatlumpu’t dalawang araw na lang bago ang inaabangang halalan sa Mayo a-dose, kaya’t mas pinaiigting ng mga kandidato ang kanilang pangangampanya! Walang tigil ang kanilang pag-iikot—mula sa malalayong baryo hanggang sa mataong lungsod, sinisikap nilang maabot ang bawat Pilipino upang iparating ang kanilang mga plataporma at adhikain.
Sa bawat kaway, pakikipagkamay, at pagharap sa taumbayan, hangad nilang makuha ang tiwala at suporta ng publiko.
Lahat ng estratehiya, ginagamit—mula sa matinding door-to-door campaigns hanggang sa malalaking rally—upang tiyakin na sila ang pipiliin sa darating na halalan.
Narito ang pinakabagong kaganapan sa patuloy na pag-iikot ng mga kandidato sa iba’t ibang panig ng bansa.
Simulan natin sa probinsya ng Sorsogon, kung saan nangampanya si Sen. Bong Revilla.
Sa probinsya naman ng Cebu nag-ikot si Kiko Pangilinan.
Nandoon din si Camille Villar kung saan nakaharap nito si Cebu Governor Gwen Garcia.
Nag-live naman sa kanyang social media si Atty. Raul Lambino kung saan tinalakay nito ang isyu ng kahirapan, kriminalidad at paglipana ng iligal na droga sa bansa.
Present naman sa pagdinig ng senado kaugnay sa iligal na pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sina Senadora Imee Marcos, Bong Go at Bato dela Rosa.
Nitong Miyerkules, bumisita naman si Ariel Querubin sa Masinloc, Zambales.
Sa Caloocan City naman ang ikot si Sen. Francis Tolentino.
Na-interview naman sa isang online channel si Ping Lacson
At ‘yan ang pinakahuling update sa nagpapatuloy na campaign period para sa darating na halalan sa Mayo.
Patuloy nating bantayan ang bawat galaw, plataporma, at paninindigan ng mga kandidato para mas maging matalino at mapanuri tayo sa pagpili ng ating susunod na mga senador.
Para sa mas marami pang updates, manatiling nakatutok dito lamang sa SMNI News.
Follow SMNI News on Rumble