Senatorial campaign tracker
26 na araw na lang bago ang inaabangang halalan sa Mayo 12, kaya’t mas pinaiigting ng mga kandidato ang kanilang pangangampanya! Walang tigil ang kanilang pag-iikot—mula sa malalayong baryo hanggang sa mataong lungsod, sinisikap nilang maabot ang bawat Pilipino upang iparating ang kanilang mga plataporma at adhikain.
Sa bawat kaway, pakikipagkamay, at pagharap sa taumbayan, hangad nilang makuha ang tiwala at suporta ng publiko. Lahat ng estratehiya ay ginagamit—mula sa matinding door-to-door campaigns hanggang sa malalaking rally—upang tiyakin na sila ang pipiliin sa darating na halalan.
Narito ang pinakabagong kaganapan sa patuloy na pag-iikot ng mga kandidato sa iba’t ibang panig ng bansa.
Simulan natin sa Naic, Cavite kung saan kasamang nangampanya ng local candidates sa lugar si Rodante Marcoleta.
Sa kaniyang social media, nagpaabot naman ng mensahe para sa ating mga kababayan ngayong Semana Santa si Atty. Raul Lambino.
Habang nitong Martes, sa Mati City, Davao Oriental nangampanya sina Sen. Bong Go, Ronald “Bato” Dela Rosa, Philip Salvador at Atty. Jimmy Bondoc. Kasama rin nilang ikinampanya sa lugar ang buong DuterTen senatorial candidates.
Nakipagdayalogo naman sa mga taga-Abra si Ariel Querubin.
Ibinahagi naman ni Mar Valbuena ang pag-iikot nito sa Lubao, Pampanga.
Si Sen. Francis Tolentino, nakiisa sa isang pagtitipon sa lungsod ng Maynila.
Sa probinsiya naman ng Romblon nangampanya si Kiko Pangilinan.
Habang sa social media naman nanuyo ng botante si Relly Jose Jr.
At ‘yan ang pinakahuling update sa nagpapatuloy na campaign period para sa darating na halalan sa Mayo.
Patuloy nating bantayan ang bawat galaw, plataporma, at paninindigan ng mga kandidato para mas maging matalino at mapanuri tayo sa pagpili ng ating susunod na mga senador.
Para sa mas marami pang updates, manatiling nakatutok dito lamang sa SMNI News.