Senatorial Campaign Tracker
Labingwalong araw na lang bago ang halalan, lalong umiinit ang laban sa pagka-senador! Hindi nagpapahuli ang mga kandidato sa pag-ikot sa iba’t ibang panig ng bansa—bitbit ang kani-kanilang plataporma, mensahe, at pangakong pagbabago.
Mula barangay hanggang lungsod, todo hataw sa kampanya para makuha ang puso ng taumbayan. Narito ang tumitinding kampanya ng mga tumatakbong senador sa ating Campaign Tracker.
Nakipagpulong si Allen Capuyan sa mga lider ng mga katutubo sa Bansalan, Davao del Sur at sa Tagum City, Davao del Norte sa parehong araw. Kasama niya ang mga kinatawan mula sa sektor ng mga kabataan, kababaihan, kapwa lingkod-bayan, at religious leaders kabilang si Pastor Apollo C. Quiboloy.
Sa isang live Facebook post, ipinakita ni retired Col. Ariel Querubin ang kanyang kinaugaliang routine sa pag-pu-push ups.
Bumisita rin siya sa Baguio City nitong mga huling araw para bigyang-pugay ang mga yumaong war veteran sa panahon ng World War II.
Bago nag-motorcade ang Alyansa Para sa Bagong Pilipinas sa Rizal, nauna nang nangampanya si Imee Marcos doon sa simula nitong Linggo.
Presyo ng bilihin, tulong sa solo parents, seniors at PWDs ang ipa-prayoridad ni Imee Marcos sa susunod na termino.
Isusulong ni Atty. Angelo de Alban ang pagbuo ng komite sa Senado para sa children with special needs and persons with disabilities.
Ngayon araw, naimbita rin siya sa isang town hall forum sa De La Salle University Manila para talakayin ang usaping pangkalikasan.
Bumisita si Gringo Honasan sa Negros Oriental nitong linggo.
Sa Negros Oriental pa rin, may espesyal na mensahe naman si Philip Salvador sa mga katutubo doon at nangako siyang bibisita siya sa nasabing lugar.
Sa kanyang social media post, nagpasalamat si Atty. Jimmy Bondoc kay dating Manila Mayor Isko Moreno nang nagtungo siya sa Maynila.
Mainit namang sinalubong ng mga taga-Lanao del Norte si Camille Villar at pinasalamatan niya ang mga lokal na opisyal.
Nag-budots sa entablado si Bong Revilla Jr.
Nag-motorcade naman si Mar Valbuena kasama ang ilang tagasuporta sa North Caloocan.
Mula sa Mabalacat ay nag-house to house visit naman si Kiko Pangilinan sa Sto. Tomas, Pampanga, kung saan kasama rin niya sa pangangampanya ang kapatid na si Anthony at pamangkin na si Donnie.
Mula sa kanyang pagbisita sa lalawigan ng Rizal, nag-motorcade din sa Pasig City si Senador Bong Go at nakasalamuha ang mga residente doon. Pinaalalahanan niya ang publiko na mag-ingat ngayong tag-init at ugaliing uminom ng sapat na tubig lalo na’t nakikiisa sila sa mga outdoor activity tulad ng mga motorcade.
At ‘yan ang pinakahuling update sa nagpapatuloy na campaign period para sa darating na halalan sa Mayo.
Patuloy nating bantayan ang bawat galaw, plataporma, at paninindigan ng mga kandidato para mas maging matalino at mapanuri tayo sa pagpili ng ating susunod na mga senador.
Para sa mas marami pang updates, manatiling nakatutok dito lamang sa SMNI News.