Senatorial Campaign Tracker
Labing-apat na araw na lang bago ang halalan, lalong umiinit ang laban sa pagka-senador! Hindi nagpapahuli ang mga kandidato sa pag-ikot sa iba’t ibang panig ng bansa—bitbit ang kani-kanilang plataporma, mensahe, at pangakong pagbabago.
Mula barangay hanggang lungsod, todo hataw sa kampanya para makuha ang puso ng taumbayan. Narito ang tumitinding kampanya ng mga tumatakbong senador sa ating Campaign Tracker.
Simulan natin sa Pangasinan kung saan matapos ang Ayusin natin ang Pilipinas campaign rally ay nagmotorcade si Atty. Raul Lambino sa ilang bayan sa Pangasinan bago tumuloy papuntang Tarlac.
Tututukan daw ni Atty. Jayvee Hinlo ang paglaban sa korapsyon na bahagi ng kanilang kampanya.
Simultaneous Campaign Rally naman ang isinagawa ng Pastor Apollo C. Quiboloy for Senator Movement sa iba’t ibang bahagi ng bansa para mas maipaalam pa ang mga plataporma ng butihing Pastor.
Pumunta naman si Pia Cayetano sa Caloocan City dala ang plataporma niya sa kalusugan, edukasyon at matatag na pamilya.
Sa Carcar, Cebu, dumalo sa isang pagtitipon si Imee Marcos kasama si Vice President Sara Duterte.
Naglibot naman sa isla ng Panay si Bam Aquino kung saan binisita niya ang ilan sa mga lokal na opisyal doon.
Napanayam naman si Norberto Gonzalessa sa isang radio station ngayong araw.
Bago naman ang kanyang pagbisita sa ilang tumatakbong kandidato sa Bohol ay nag-feeling turista muna si Mayor Abby Binay sa Chocolate Hills.
Dumalo naman sa flag raising ceremony sa Quezon City si Ping Lacson kasama si Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto.
Nagpasalamat naman sa mga taga-Iloilo si Bong Revilla Jr. sa kanilang mainit na pagtanggap sa kanyang pagbisita roon.
At ‘yan ang pinakahuling update sa nagpapatuloy na campaign period para sa darating na halalan sa Mayo.
Patuloy nating bantayan ang bawat galaw, plataporma, at paninindigan ng mga kandidato para mas maging matalino at mapanuri tayo sa pagpili ng ating susunod na mga senador.
Para sa mas marami pang updates, manatiling nakatutok dito lamang sa SMNI News.