Senatorial Campaign Tracker

Senatorial Campaign Tracker

Senatorial Campaign Tracker

Siyam na araw na lang bago ang halalan kaya naman lalong umiinit ang laban sa pagka-senador! Hindi nagpapahuli ang mga kandidato sa pag-ikot sa iba’t ibang panig ng bansa—bitbit ang kani-kanilang plataporma, mensahe, at pangakong pagbabago.

Mula barangay hanggang lungsod, todo hataw sa kampanya para makuha ang puso ng taumbayan. Narito ang tumitinding kampanya ng mga tumatakbong senador sa ating Campaign Tracker.

Nag-motorcade sa Butuan City ang kinatawan ni Pastor Apollo C. Quiboloy bilang bahagi ng kanyang kampanya at paghahanda sa isinagawang Grand Rally kasama ang ibang Duterten Senatorial Candidates.

Taos-pusong suporta naman ang natanggap ni Senator Bong Go mula sa mga Bulakenyo matapos siyang mag-motorcade.

Tinalakay naman ni Gringo Honasan ang mga isyung pang-ekonomiya at seguridad sa dinaluhan niyang forum sa Kamuning, Quezon City.

Inanunsiyo ni Bam Aquino ang kanyang schedule ng motorcade sa NCR ngayong Linggo, May 4.

Dumalo naman sa isang campaign rally sa Lucena City, Quezon si Ping Lacson.

Inanunsiyo na rin niya ang kanyang pagbisita sa probinsya ng Batangas ngayong araw.

Nag-motorcade at nilibot naman ni Mar Valbuena ang mga residente sa North Caloocan.

Si Atty. Jimmy Bondoc ibabatay ang paggawa ng batas sa prinsipyo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Nagtungo naman sa Marawi City kamakailan si Kiko Pangilinan at nangakong isusulong ang kapayapaan at pag-unlad sa Mindanao, partikular na sa rehiyon ng Bangsamoro.

Si Camille Villar naman ay dumalo sa Bangus Festival sa Dagupan City, Pangasinan.

At ‘yan ang pinakahuling update sa nagpapatuloy na campaign period para sa darating na halalan sa Mayo.

Patuloy nating bantayan ang bawat galaw, plataporma, at paninindigan ng mga kandidato para mas maging matalino at mapanuri tayo sa pagpili ng ating susunod na mga senador.

Para sa mas marami pang updates, manatiling nakatutok dito lamang sa SMNI News.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble