Senatorial Campaign Tracker
Walong araw na lang bago ang halalan kaya naman lalong umiinit ang laban sa pagka-senador! Hindi nagpapahuli ang mga kandidato sa pag-ikot sa iba’t ibang panig ng bansa—bitbit ang kani-kanilang plataporma, mensahe, at pangakong pagbabago.
Mula barangay hanggang lungsod, todo hataw sa kampanya para makuha ang puso ng taumbayan. Narito ang tumitinding kampanya ng mga tumatakbong senador sa ating Campaign Tracker.
Game na game na nakipagselfie si Senator Bong Go sa mga pasahero ng Butuan Airport matapos siyang dumalo sa campaign rally ng kapwa Duterten Senatorial Candidates kamakailan.
Nag-motorcade naman si Bam Aquino kasama ang ilang artista sa Metro Manila ngayong araw.
Sa Davao City, bumisita ang kapatid ni Kiko Pangilinan na si Anthony kasama ang kanyang maybahay na si Maricel sa Bankerohan Public Market at nakausap ang ilang kababayang nagtatrabaho at namimili doon.
Nagpasalamat si Ping Lacson sa mga tagasuporta sa ginanap na campaign rally ng Alyansa sa bagong Pilipinas sa Batangas kamakailan.
Present din si Pia Cayetano sa nasabing campaign rally.
Nangampanya naman si Mar Valbuena sa Tunasan, Muntinlupa City at nagpa-picture sa kanyang mga tagasuporta.
Dumalo naman sa isang campaign rally sa General Trias sa Cavite si Bong Revilla Jr.
Nag-motorcade naman si Atty. Raul Lambino sa Cebu City.
At ‘yan ang pinakahuling update sa nagpapatuloy na campaign period para sa darating na halalan sa Mayo.
Patuloy nating bantayan ang bawat galaw, plataporma, at paninindigan ng mga kandidato para mas maging matalino at mapanuri tayo sa pagpili ng ating susunod na mga senador.
Para sa mas marami pang updates, manatiling nakatutok dito lamang sa SMNI News.