Senatorial Campaign Tracker

Senatorial Campaign Tracker

Senatorial Campaign Tracker.

Higit dalawang buwan bago ang halalan sa Mayo 12, 2025, mas pinaigting pa ng mga kandidato ang kanilang pangangampanya para matiyak ang pinakaaasam na boto mula sa mga Pilipino.

Gagawin nga nila lahat—bibisitahin maging ang iba’t ibang lugar—masiguro lang na iboboto natin sila.

Narito ang pinakahuling kaganapan sa kanilang mga kampanya sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Simulan natin sa San Jose del Monte Bulacan, kung saan nagkaroon ng rally ang Alyansa para sa Bagong Pilipinas na kinabibilangan nina Abigail Binay, Bong Revilla, Pia Cayetano, Gringo Honasan, Ping Lacson, Lito Lapid, Imee Marcos, Manny Pacquiao, Tito Sotto, Francis Tolentino, Erwin Tulfo, at Camille Villar.

Si Ben Tulfo, sa Malolos, Bulacan nag-ikot nitong Huwebes.

Dumayo naman sa bayan ng Bani, Pangasinan sina Sen. Bong Go at Philip Salvador.

Si Atty. Vic Rodriguez, sumalang sa isang interview kung saan inilatag nito ang kaniyang mga nais na isulong na batas kabilang ang death penalty laban sa mga korap na opisyal.

Sa Biñan, Laguna naman nag-ikot si Willie Revillame kasama ang GP Party List.

Si Bam Aquino, nagpaabot ng kaniyang mensahe sa mga kapatid nating Muslim sa pagsisimula ng kanilang Ramadan.

Maging si Kiko Pangilinan ay nagpaabot din ng mensahe kung saan hiling nito ang mapagpala at mapayapang pagsasagawa ng Ramadan.

Si Roberto Ballon, idinaan sa kaniyang social media ang pangangampanya.

Si Jose Olivar naman ay sumalang sa isang online interview.

Nitong Miyerkules, bumisita sa Vigan City si Rodante Marcoleta kung saan nakasama nito ang mga lokal na opisyal sa lugar maging ang mga taga-suporta nito.

Nag-live naman sa kaniyang social media account si Atty. Raul Lambino kung saan tinalakay nito ang isyu sa edukasyon at press freedom.

Si Atty. Jayvee Hinlo naman nakasama ang ilang opisyal ng PDP-Laban sa pakikiisa sa 6th Founding Anniversary ng Special Geographic Area ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Dumalo naman sa ika-8 Mindanao Indigenous Peoples’ Convention si Allen Capuyan na ginanap sa Davao City.

At ‘yan ang pinakabagong update sa nagpapatuloy na campaign period para sa darating na halalan sa Mayo.

Patuloy nating bantayan ang bawat galaw, plataporma, at paninindigan ng mga kandidato para mas maging matalino at mapanuri tayo sa pagpili ng ating susunod na mga senador.

Para sa mas marami pang updates, manatiling nakatutok dito lamang sa SMNI.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble