SA kabila ng pagkakaiba-iba ng pananampalataya, paniniwala, at kultura, hindi ito naging hadlang para pag-isahin ang kanilang kagustuhan na mabago ang kultura ng politika sa bansa, lalo na sa pagsugpo sa korapsiyon, pang-aabuso sa kapangyarihan, at mga programang maka-Diyos, makatao, at may de-kalidad na serbisyo.
Sa katunayan, para sa isang baguhang tagasuporta ni senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy na si Placido Pilosopo, isang tunay na “boses ng Panginoon” si Pastor Apollo.
Hindi lang dahil nasaksihan nito ang matagumpay na “Ayusin Natin ang Pilipinas” Nationwide Campaign Rally ng Butihing Pastor kundi nakita rin nito ang kakayahan niyang pag-isahin ang mga Pilipino bilang isang pastor.
Aniya, tila imposibleng pagsama-samahin ang iba’t ibang sekta at mga organisasyon, pero hindi ito naging imposible sa pananaw, adhikain, at adbokasiya ni Pastor Apollo na totoong may malasakit sa bansa.