Senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy nakitaan ng tapang at malasakit sa bayan gaya ni FPRRD

Senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy nakitaan ng tapang at malasakit sa bayan gaya ni FPRRD

KASING-tapang at may malasakit sa bayan si senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy tulad ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ito ang tinuran ni Phil. Nat’l Anti-Crime Group (PNACG), CALABARZON at MIMAROPA Regional Commander Rehino Bautista sa panayam ng SMNI sa kaniya.

Aminado si Bautista na muntikan na siyang madala sa mga paninira sa mga balita at artikulo laban kay Pastor Apollo ngunit nang napaliwanagan siya ng mga kinatawan ng Butihing Pastor, ay saka lamang niya naunawaan ang lahat.

Para sa isang pihikan at striktong tao, aminado si Bautista na hindi siya basta-bastang naniniwala at sumusuporta sa tao o politiko, pero buo aniya ang kaniyang loob na suportahan si Pastor Apollo sa laban nito hanggang sa Senado.

Aniya, malaki ang pagkakahawig ni Pastor Apollo kay FPRRD sa tapang, malasakit at dedikasyon nito para sugpuin ang korapsiyon, ilegal na droga at kriminalidad sa bansa.

Tiniyak rin ni Bautista ang 100% na suporta, sampu ng kanilang mga miyembro, hindi lang sa Hilagang Luzon kundi sa buong bansa para sa pagkapanalo ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter