NAKIISA ang South Korean singer-actress na si Seohyun sa BBC Studios hinggil sa kampanya tungo sa pangangalaga ng kalikasan.
Sa isang social post nito, ibinahagi ni Seohyun ang mga larawan niya kung saan nagsilbi itong model ng eco-friendly outdoor clothing collection ng BBC Studios.
Sa caption pa ng singer-actress, hinihikayat nito ang lahat na bumili sa clothing collection na nakatutulong para sa kalikasan.
Itinuturing na sustainable fashion ang clothing collection na ito ng BBC at verified recycled ang mga ginamit sa produksiyon ayon sa Global Recycled Standard.
Ang detachable sleeves, hems, at jacket and pant models na bumubuo sa clothing collection ng BBC ay nagsusulong ng komportable at flexible fit para mas magamit ang isang damit sa iba’t ibang outdoor activities.
Layunin din nito ang malabanan ang quick fashion sa pamamagitan ng practical at convertible designs.
Katuwang ng BBC Studios dito ang Cowell Fashion ng South Korea at inspirasyon dito ang BBC Earth Natural History Programming sa nabanggit na bansa.
Samantala, si Seohyun ay miyembro ng 2nd Gen K-pop girl group na Girls’ Generation na sikat sa mga kanta tulad ng “The Boys”, “Mr. Mr.”, “Gee”, “Genie”, “I Got a Boy”, “Mr. Taxi”, “Hoot”, “Lion Heart”, at “Forever 1”.
Bilang aktres ay tampok ito sa mga pelikula tulad ng “Moon Lovers: Scarlet Heart Ryeo”, “Song of the Bandits”, “Love and Leashes”, at “Private Lives”.