Serbia binatikos ng Russia dahil sa pagsusuplay ng armas sa Ukraine

Serbia binatikos ng Russia dahil sa pagsusuplay ng armas sa Ukraine

BINATIKOS ng Russia ang Serbia dahil sa diumano’y pagbebenta ng armas sa Ukraine.

Ayon sa Russian Foreign Intelligence Service, taliwas ang ginagawa ng Serbia sa sinasabi nitong ‘neutral’ sila sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Hinggil sa pagiging neutral, mapapansin namang ang Serbia na halos umaasa sa Russia para sa enerhiya ay tumangging sumama sa mga parusang ipinataw laban sa Moscow.

Kadalasan ding hindi sila sumusuporta sa mga pahayag ng European Union na kumokondena sa pananakop ng Moscow sa Kyiv.

Ngunit mula pa noong unang bahagi ng taong 2023 ay hindi na rin isang sekreto ang pagbebenta ng serbia ng armas sa Ukraine.

Sa katunayan, ikinagulat ng ilang kritiko kung bakit ngayon pa nagbigay ng reaksiyon ang Russia hinggil dito.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble