Serbisyo ng GCash, bumalik na

Serbisyo ng GCash, bumalik na

BUMALIK na ang serbisyo ng digital wallet na GCash matapos mag-post ng anunsiyo nitong Martes.

Inamin naman ng GCash na nagkaroon ito ng outage na naging dahilan na hindi magamit ng mga GCash user.

Ayon kay GCash Corporate Communications Chief Gilda Maquilan, ang pagkawala ay dahil sa isang “systems upgrade’’.

Sa kabila ng pagkawala, siniguro naman ng GCash na ligtas ang mga pondo ng mga user.

Humingi naman ng paumanhin ang GCash sa abalang naidulot.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble