TUTUTUKAN ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang kanilang serbisyong legal para sa mga agrarian reform beneficiaries (ARBs).
Ito, ayon sa Office of the Press Secretary, upang mas maging mabilis ang paggawad sa mga benepisyaryo ng mga lupang pagtataniman.
Parte ito ng hakbang ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na masigurado ang seguridad sa pagkain sa bansa.
Bukod dito, ang pagresolba sa nakabinbin na mga kasong agraryo ang isa rin sa mga pangunahing pinagkakaabalahan ng DAR.
Ang naturang isyu ang masasabing humahadlang sa paggamit ng mga lupa para pagtaniman dahil sa pagtutol ng mga dating may-ari.