Service ng scoot TigerAir sa Gold Coast, Australia, sususpindehin

Service ng scoot TigerAir sa Gold Coast, Australia, sususpindehin

SUSUSPINDEHIN ng Singapore Airlines (S.I.A.) ang service ng Scoot TigerAir, ang kanilang budget airline patungong Gold Coast Region sa Australia simula sa July 2023.

Ang rason anila ay kinakailangan nilang mai-adjust ang capacity ng budget airline para matugunan ang mataas na demand.

Ayon kay dating Scoot CEO Campbell Wilson, noong January 2022, aabot sa 130k ang sumasakay dito na biyahero.

Ito lang din ang airline sa Singapore na direktang bumibyahe sa Gold Coast.

Maliban pa sa destinasyon nito sa Gold Coast ay sususpindehin din ng S.I.A. ang kanilang Vancouver, Canada service sa October 2023.

 

 

Follow SMNI News on Twitter