Service Recognition Incentive, pagbibigay-halaga sa kasipagan at dedikasyon ng government employees –DBM chief

Service Recognition Incentive, pagbibigay-halaga sa kasipagan at dedikasyon ng government employees –DBM chief

INILAHAD ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman na isang early Christmas gift ang pag-apruba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Service Recognition Incentive (SRI) grant.

Ang SRI ay isang pagkilala sa kasipagan at dedikasyon sa serbisyo ng mga kawani ng gobyerno.

Aniya, isang incentive ang SRI para sa mga kawani ng pamahalaan na inirekomenda ng DBM.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Pangandaman kay Pangulong Marcos sa pag-apruba ng hindi lalagpas sa P20,000 na SRI grant.

Mula P10,000 noong 2021, dinoble ang maximum na halagang maaaring makuha one-time ng mga kwalipikadong tauhan ng gobyerno sa P20,000 ngayong taon.

Follow SMNI NEWS in Twitter