NAG-adjourn sine die na ang sesyon ng ika-19 Kongreso nitong Miyerkules, Hunyo 11, 2025.
Ibig sabihin ng ‘adjourn sine die’ ay ang pagtigil ng sesyon ng Kongreso nang walang itinakdang petsa para sa muling pagbubukas.
Mag-aalas nuwebe ng gabi nang mag-adjourn ang sesyon ng Senado.
Dito ay pinasalamatan nila ang outgoing senators na sina Cynthia Villar, Grace Poe, Bong Revilla Jr., Nancy Binay, Koko Pimentel, at Francis Tolentino.
Sa Kamara, alas diyes ng gabi naman nang mag-adjourn ang kanilang sesyon.
53 kongresista ang nagtapos na ang termino sa Mababang Kapulungan.
mine kain lang