SEVENTEEN global ambassador ng food brand na bibigo

SEVENTEEN global ambassador ng food brand na bibigo

INANUNSIYO ng South Korean international food company na CJ CheilJedang na ang K-pop boy group na SEVENTEEN ang napili ng brand nila na bibigo bilang kanilang global brand ambassador.

Sa pahayag, napili ng bibigo ang SEVENTEEN para maabot nila ang Gen Z consumers sa buong mundo.

Dagdag pa ng CJ CheilJedang, ang masigla at positibong energy ng seventeen ay tumutugma sa vibrant at passionate image ng bibigo.

Sa kabilang banda, huwag din kalimutan ang release ng fifth studio album ng SEVENTEEN ngayong Mayo 26, 2025.

Binubuo ito ng 16 tracks kung saan tatlong kanta rito ay group at ang natitirang 13 kanta ay solo songs ng 13 members.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble