Seventeen, kauna-unahang Korean performers ng Glastonbury Festival 2024 sa Europe

Seventeen, kauna-unahang Korean performers ng Glastonbury Festival 2024 sa Europe

CHALLENGED accepted ang naging tugon ng K-pop boy group na Seventeen kaugnay sa kanilang magiging performance sa Glastonbury Festival 2024 sa Europe ngayong Biyernes, Hunyo 28.

Ito’y dahil maliban sa katotohanang sila pa lang ang Korean group na nakapag-perform sa naturang festival, inaasahan din na mas madami ang manonood na hindi pamilyar sa kanila.

Bagama’t may European fans din ang Seventeen, inamin ng members na marami rin ang walang alam hinggil sa K-pop sa kabuuan sa Europa.

Sinasabing perfect naman sa Glastonbury ang grupo dahil sa mga inspirational songs nito gaya na lang ng all-time favorite na Kidult.

Sa kabuuan, masasabing pressured pero honored ang 13-member group na makapag-perform sa naturang festival.

Maliban sa Glastonbury ay headliner din ang Seventeen sa Lollapalooza Berlin sa Setyembre.

Samantala, officially named na rin ang grupo bilang kauna-unahang Goodwill Ambassador for Youth ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO).

Kasunod ito sa nomination ceremony na ginanap sa Paris nitong Miyerkules, Hunyo 26.

Mula rito ay ipinangako naman ng grupo na patuloy silang kaisa sa pagpapalaganap ng suporta sa youth communities.

Sa katunayan, sa susunod na going together campaign ay magdo-donate muli ang Seventeen sa UNESCO ng $1-M.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble