“ANOTHER first” ika nga para sa K-pop boy group na Seventeen at kanilang fans sa Pilipinas na kung tawagin ay Filo Carats!
Ito’y dahil ang grupo ang kauna-unahang musical act at K-pop group na nakapag-perform sa Philippine Sports Stadium sa Bulacan para sa kanilang “Follow” tour noong Enero 13 at 14, 2024.
Kung matatandaan, sa kanilang “Be the Sun” tour noong 2022, sila rin ang kauna-unahang K-pop group na nagsagawa ng solo show sa Philippine Arena.
Nagpapasalamat naman ang Seventeen sa Filo Carats dahil hindi nila akalain na dadaluhan ng mahigit 30 libong fans ang kanilang “Follow” tour.
Nakakatuwa rin anila ang energy ng fans at nagnanais pa ang mga ito na babalik muli sa Pilipinas.
Nasa 26 na kanta ang inihandog ng grupo para sa 2-day concert.
Nang una silang pumunta sa bansa noong 2016 para sa kanilang 1st Asia tour, ginanap ito sa The Theatre at Solaire na mayroon lang 1,740 seating capacity.
Bumalik naman ulit ang grupo noong 2017 para sa kanilang “Diamond Edge” tour; 2018 para sa “Ideal Cut”; nagsilbing last stop noong 2020 para sa “Ode to You” bago ang “Be the Sun” noong 2022.
Samantala, pinakalatest na album ng grupo ay ang “Seventeenth Heaven” na may title track na “God of Music”.