Long-range missiles at mga bomba, ibibigay ng France sa Ukraine

Long-range missiles at mga bomba, ibibigay ng France sa Ukraine

NAKATAKDANG magbibigay ang France ng 40 long-range missiles at daan-daang bomba sa Ukraine.

Ayon kay French President Emmanuel Macron, hindi nila hahayaan na manalo ang Russia sa digmaan nito sa pagitan ng Ukraine.

Noong Setyembre 2023 ay ipinangako na ng France na patuloy silang makipagtutulungan sa Ukraine kaugnay sa pagpapalakas ng kanilang armas.

Sinabi ng France na maaaring magtatagal pa ang digmaan ng dalawang bansa at nararapat lang na sapat ang kakayahan anila ng Kyiv para sa counteroffensive.

Lubos namang pinasalamatan ng Kyiv ang tulong na ito mula sa bansang France.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble