PATULOY na lumalakas ang Severe Tropical Storm Nanmadol habang binabaybay nito ang Philippine area of responsibility (PAR).
Ito ay base sa latest bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), as of 11 pm.
Ayon sa PAGASA namataan sa layong 1,830 km East Northeast ng Extreme Northern Luzon, kung saan taglay nito ang lakas ng hangin na nasa 95 km per hour at pagbugso na aabot sa 115 km per hour.
Dahil sa lakas nito, inaasahang papasok ito sa PAR ngayong gabi o bukas ng umaga at tatawagin itong bagyong ‘Josie.’
Paglilinaw ng PAGASA, sa oras na pumasok ito sa PAR hindi ibig sabihin ay may direkta na itong epekto sa bansa.
Sa ngayon ay malayo pa ito sa landmass ng Pilipinas at wala pang direktang epekto saan mang dako sa bansa.