INAASAHANG magiging operational na sa Disyembre ang sewerage treatment plant sa Hinulugang Taktak Falls sa Antipolo City.
Ito ang pahayag ng Manila Water ngayong mahigit sa 60 porsiyento nang tapos ang itinayong P2.5-B sewerage treatment plant.
Layon ng proyekto na mapanatili at maisaayos ang ecological balance sa lugar sa pamamagitan ng pag-treat o paggamot sa hanggang 16 na milyong litro kada araw ng wastewater mula sa mga kabahayan bago pa ito ilabas o itapon sa falls.
Inaasahang maseserbisyuhan ng proyekto ang mahigit sa 148,000 residente ng Antipolo City partikular na sa mga barangay ng Dela Paz, San Isidro, San Roque, at San Jose.