INILIPAT sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kapatid ni Alice Guo na si Shiela dahil sa security concerns.
Kinumpirma ito ng Bureau of Corrections sa isang interview.
Kasunod na rin ito sa pag-alis ng contempt order laban sa kaniya na ipinataw ng Senado.
Nahaharap si Shiela sa mga kasong disobedience to summons, paggamit ng pekeng Philippine passport at respondent din ng isang money laundering complaint na inihain laban sa kapatid nitong si Alice.