SA kabila ng paulit-ulit na pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi siya makikipagtulungan sa International Criminal Court (ICC), kabaliktaran ang nangyari.
Patunay diyan ang pag-aresto ng mga kapulisan kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte gamit ang warrant of arrest na inilabas ng ICC.
Sa kasalukuyan, nasa Netherlands na ang dating pangulo at humarap na sa pre-trial doon.
Pero para sa maraming Pilipino sa bansa at sa buong mundo, ilegal ang ginawa nila sa matandang Duterte.
Mula nang siya ay inaresto, hindi na tumigil ang panawagan at panalangin ng mga Pilipino para sa tinaguriang “Most Loved President.”
Ngayong Sabado, buong puwersa ang mga Pilipino sa pagsasagawa ng simultaneous rally upang ipanawagan ang pagpapauwi kay Tatay Digong.
Sa bahagi ng Cabanatuan City, Nueva Ecija, libo-libo ang dumalo sa rally upang ipahayag ang kanilang galit at kahihiyan sa ginawang hakbang ng administrasyon ni Marcos Jr.
Bitbit nila ang mga plakard na may nakasulat na “Bring Home PRRD” at “Justice for PRRD.”
Ayon sa kanila, walang dahilan para ipagkanulo si Duterte sa banyaga, lalo’t naging mahusay at tapat itong pangulo at nagpakita pa ng malasakit sa mga Marcos.