Sikat na Macau landmarks, sabay-sabay na pinailawan para sa World Drug Day

Sikat na Macau landmarks, sabay-sabay na pinailawan para sa World Drug Day

PINAILAWAN ang ilan sa mga pinakasikat na landmarks sa Macau ng kulay berde, bilang simbolo ng good health at well-being, para sa pagdiriwang ng International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking (World Drug Day).

Pinangunahan ng Association of Rehabilitation of Drug Abusers of Macau (ARTM) ang sabay-sabay na pagpapailaw sa ilang Macau landmarks.

Kabilang dito ang Grand Lisboa, Macau Tower, The Parisian Macau, at Jai Alai Oceanus.

Ayon kay Mr. Augusto Nogueira, pinuno ng ARTM, Be Cool Projects, mahalaga ang pagtutulungan upang lumikha ng kamalayan sa pagkakalulong sa droga.

Nakiisa rin sa nasabing pagtitipon ang chairman ng Vienna NGO Committee on Drugs.

Nagpahayag din ng pasasalamat para sa pagtitipon ang pinuno ng Civil Service Unit – Division for Policy Analysis and Public Affairs mula sa United Nations Office of Drugs and Crime.

Nakilahok din ang ibang pribadong sektor kung saan sumusuporta sila sa lahat ng proyekto ng ARTM.

Samantala, lubos naman ang pasasalamat kay Pastor Apollo C. Quiboloy at SMNI ng Filipino community leaders na dumalo sa pagtitipon.

Follow SMNI NEWS in Twitter