DAPAT hanggang 10 SIM cards lang ang maaaring mairehistro sa pangalan ng isang indibidwal.
Ayon ito sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) matapos napag-alaman nila na mayroong isang indibidwal na umabot sa 600 SIM cards ang kaniyang pinagmamay-ari.
Kuwestiyunable aniya ito lalo pa’t madalas na hanggang dalawang cellphones lang din ang pinagmamay-ari ng karaniwang tao.
Maaaring tugon na rin ito sa naglipana pa ring scammers na gumagamit ng rehistradong SIM cards sa kanilang mga operasyon.
Batay sa ulat ng CICC, nasa 100-K na SIM cards ang nagagamit para sa ilegal na mga gawain.
Samantala, mismong telcos ang nagmungkahi na hanggang 10 SIM cards lang ang maaaring mairehistro sa isang pangalan.