MULING hinikayat ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang publiko na iparehistro ang kanilang SIM.
Kasunod na rin ito ng napipintong pagtatapos ng SIM registration sa Abril 26, 2023.
Batay sa huling datos ng DICT nitong Abril 7, nasa higit 62 milyon pa lang ng kabuoang 168,977,773 SIM users sa buong bansa ang nakarehistro o katumbas ng 36.79%.
Sa naturang bilang, higit 31.1 milyon dito ay Smart subscribers, higit 26.3 milyon ang Globe SIM users at higit 4.7 milyon ang DITO subscribers.
Layon ng patuloy na panghihikayat ng DICT na maiwasan ang deactivation ng SIM at posibleng pagdagsa ng magrerehistro bago ang deadline.
“We urge all unregistered citizens to take this opportunity to register their SIMs. With only 17 days left before the deadline, it is crucial to take immediate action to prevent the inconvenience of deactivation. Together, let us strive for a more connected and secure Philippines,” pahayag ni Sec. Ivan John Uy, DICT.
Muling iginiit ng DICT na hindi na nila palalawigin ang itinakdang deadline at kung sino aniya ang hindi makakapagrehistro ay makararanas ng deactivation, at hindi na makatatanggap ng tawag at text at makakagamit ng mobile data.
Sinabi naman ni DICT na maaaring gamitin ang mga official link ng mga public telecommunication entities sa pagrehistro o di kaya ay bumisita sa kanilang website at makipag-ugnayan sa kanilang contact numbers.
To register your SIM, use the following official link:
* Smart – smart.com.ph/simreg or simreg.smart.com.ph
* Globe – new.globe.com.ph/simreg
* DITO – https://digital.dito.ph/pto/download/app
DICT numbers
* Smart: 0947 714 7105
* Globe: 0966 976 5971
* DITO: 0991 481 4225
Magugunita na December 27, 2022 nang umarangkada sa bansa ang SIM registration sa ilalim na rin ng SIM Registration Act.