Singapore at Gatwick Airport sa London, magkakaroon na ng non-stop flights sa 2024

Singapore at Gatwick Airport sa London, magkakaroon na ng non-stop flights sa 2024

SISIMULAN na ng Singapore sa 2024 ang non-stop flights nito sa pagitan ng Gatwick Airport sa London.

Sa isang press release, limang beses sa isang linggo ang nabanggit na non-stop flights.

Dahil dito, magiging 33 na ang flights sa pagitan ng Singapore at London bawat linggo dahil may apat na beses nang daily services ang dalawang bansa via Heathrow Airport.

Samantala, ang kauna-unahang flight via Gatwick Airport ay darating sa London sa Hunyo 22, 2024 at babalik ito sa Singapore sa Hunyo 23, 2024.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble