INAASAHANG magsisimula ang operasyon ng Singapore-Johor Baru RTS Link na mag-uugnay sa bansang Malaysia at Singapore, sa pagtatapos ng taong 2026.
Sa ginawang pagbisita ni Singapore Foreign Affairs Minister Dr Vivian Balakrishnan, sinabi nito at ng kaniyang Malaysian counterpart na si Foreign Affairs Minister Datuk Seri Zambry Abdul Kadir na tinaya na ang bilateral relation ng dalawang bansa.
Kapag ang 4-km na rail shuttle service na nag-uugnay sa Woodlands at Bukit Chagar sa Johor Baru ay gumana, inaasahang aabot hanggang 10,000 na pasahero bawat oras ang makakapaglakbay sa bawat direksyon sa loob lamang ng 5 minuto.
Samantala, inimbitahan ni Dr Balakrishnan si Datuk Seri Zambry na opisyal na bumisita sa Singapore.
Si Dr Balakrishnan ay kasalukuyang nasa 4-day visit sa Malaysia at inaasahang makakaharap din nito si Malaysia Prime Minister Anwar Ibrahim at iba pang mga ministro sa bansa.