NAPAGDESISYUNAN ng 27-year old Singaporean Olympic Swimming Champion na si Joseph Schooling ang pag-atras sa ASEAN Games ngayong taon.
Ayon kay Schooling, ibibigay niya na lang ang kanyang spot sa ASEAN Games sa isa sa kanyang mga kasamahan at magfofocus na lang ito sa kanyang navy duties.
Base sa report, 2 taon ng naninilbihan sa mandatory military service si Schooling nang masangkot ito sa drug controversy nakaraang taon.
Sumailalim sa 6 na buwang supervised urine test ang nasabing atleta kasunod naman nito ang pagbabawal sa kanya na sumali pa sa military service.
Kung maaalala, si Joseph Schooling ang kauna-unahang Olympic champion na tumalo kay Michael Phelps mula Amerika sa 100m butterfly noong 2016 Olympics.