Singil ng Meralco ngayong Mayo bumaba

Singil ng Meralco ngayong Mayo bumaba

BUMABA ng 75 sentimos kada kilowatt-hour ang singil sa kuryente ng Meralco ngayong buwan ng Mayo.

Ibig sabihin, ang kabuuang singil ay nasa P12.26 na kada kilowatt-hour.

Mas mababa ito kumpara sa P13.01 noong buwan ng Abril.

Dahil dito, ang isang karaniwang residential customer na kumokonsumo ng 200 kilowatt-hour kada buwan ay makatitipid ng humigit-kumulang P150 ngayong Mayo.

Sakop ng Meralco ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal at mga piling lugar sa Pampanga, Laguna, Batangas, at Quezon.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble