Singil ng Meralco, tataas ng P0.42/kWh sa October billing

Singil ng Meralco, tataas ng P0.42/kWh sa October billing

INANUNSIYO ng Manila Electric Company (Meralco) ang P0.42 kada kWh na dagdag-singil ngayong Oktubre.

Katumbas ito ng P84 para sa mga kumokonsumo ng 200 kWh hanggang P210 para sa mga kumokonsumo ng 500 kWh.

Ayon sa Meralco, ang dagdag-singil ay bunga ng mas mataas na generation charge at transmission charge.

Ang mataas na generation charge ay bunsod ng mas mataas na mga singil mula sa mga Independent Power Producer (IPP) at mga Power Supply Agreement (PSA).

Follow SMNI NEWS on Twitter