Singil sa kuryente, bumaba ngayong Hunyo – Meralco

Singil sa kuryente, bumaba ngayong Hunyo – Meralco

PARA sa mga pamilyang may average na konsumo ng 200 kWh kada buwan — na karaniwang may electric bill na nasa ₱2,300 — makakatipid sila ng humigit-kumulang ₱22 sa kanilang bill ngayong buwan kumpara noong Mayo.

Ang bagong electricity rate na ito ay ₱12.16/kWh para sa billing period mula Hunyo a-dyis hanggang Hunyo a-bente-nwebe. Ayon sa Meralco, ang pagbaba ay dulot ng mas mababang generation charges o ang bayad para sa kuryenteng binili mula sa mga power supplier.

Patuloy ding ipinapatupad ang refund na ₱0.2024/kWh na nagsimula pa noong Abril, na dagdag benepisyo para sa mga konsyumer.

Walang pagbabago sa distribution charge ng Meralco, kaya’t nananatiling mababa ang singil sa paghahatid ng kuryente.

Paalala ng kumpanya, ang aktwal na bayarin ay maaari pa ring magbago depende sa laki ng konsumo ng bawat sambahayan.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble